Linggo, Agosto 20, 2017

Republic Act No. 8485
AN ACT TO PROMOTE ANIMAL WELFARE IN THE PHILIPPINES, OTHERWISE KNOWN AS “THE ANIMAL WELFARE ACT OF 1998”
Taon ng Pagsasabatas: 1998, pirmado ni Pangulong Fidel V. Ramos
 
Ang RA 8485, na mas kilala bilang Animal Welfare Act, ang unang batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Binuo ng batas na ito ang Committee on Animal Welfare na siyang mamumuno sa pagpapatupad ng batas.
 
Sinasabi ng batas na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga, at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang lumalabag dito.
 
Sa Sec. 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmaltrato at pag-torture sa mga hayop. Ipinasa rin sa bahaging ito ng batas na hindi maaaring pumatay ng hayop, maliban sa mga hayop na kinakain tulad ng baka, baboy, kambing, tupa, manok at iba pang poultry, kuneho, kalabaw, kabayo, usa at buwaya. 
 
Isang paglabag sa batas ang pagpatay sa mga hayop na hindi nabanggit liban na lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon, malubhang sakit ng hayop, at animal control kung saan nasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit dito.
 
Itinuturing na isang landmark law ang Animal Welfare Act dahil ito ang unang kumilala ng kalupitan sa hayop bilang isang paglabag sa batas.
 
Republic Act No. 10631
AN ACT AMENDING CERTAIN SECTIONS OF REPUBLIC ACT NO. 8485, OTHERWISE KNOWN AS “THE ANIMAL WELFARE ACT OF 1998"
Taon ng Pagsasabatas: 2013, pirmado ni Pangulong Benigno S. Aquino
 
Pinirmahan kamakailan ni Pangulong Noynoy Aquino ang RA 10631 upang paigtingin ang kasalukuyang batas na umiiral kaugnay ng animal welfare. 
 
Ilan sa mga amyenda o pagbabagong itinadhana ng RA 10631 ay ang mas mataas na piyansa o parusa kapag napatunayan ang paglabag sa Animal Welfare Act. Itinaas ng RA 10631 ang multa sa paglabag ng batas; mula sa dating P1,000 hanggang P5,000, ginawa itong P50,000 hanggang P100,000. Ihinawalay rin nito ang mga parusa sa bawat opensa at idinagdag bilang paglabag sa batas ang sinumang mapatunayang pinabayaan ang hayop na nasa kanyang pangangalaga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento